Ang thesis ay isang kurso kung saan sinusukat ang mga natutunan ng mga estudyante sa kanyang pag-aaral sa isang unibersidad. Tinitingnan din nito kung gaano kagaling ang mga ito sa pag-apply ng mga konseptong natutunan nito sa realidad.
Pero nakakatawang isipin na sa thesis, ang natutunan ko ay hindi talaga ang pag-apply ng mga natutunan ko sa nakaraan ngunit mga bagong leksyon sa buhay na dapat siguro ay akin nang i-apply sa lalong madaling panahon.
Sa thesis, mas nakilala ko ang sarili ko, ang ibang tao at ang mga bagay na pinahahalagahan namin sa mundo.
Thesis ang isa sa mga dahilan ng isang malaking awayan
Thesis ang dahilan sa paglala ng ilang bagay
Thesis ang dahilan
Nakakatawa mang isipin, sa thesis na ito lumabas ang ilang pagkatao.
Nakita ko kung sino ang may kailangan pa ng malaking pagbabago upang humarap sa buhay sa hinaharap...ang pagtatrabaho at pagkakaroon ng sariling pamilya.
Mahirap mang tanggapin para sa kanila, ilang buwan na lang ang natitira.
Nakita ko kung sino ang mga taong marunong uminitindi sa sitwasyon ng iba sabihin man o hindi ang sitwasyon nila.Sino ang may makitid na utak. Sino ang may malawak na pang-unawa.
Nakita ko rin na napakahalaga pala na may mga prioridad ka talaga.
Ngunit malungkot mang isipin, halos lahat ng taong nakausap ko ay uunahin pa talaga ang trabaho o pag-aaral kaysa sa pagkakaibigan.At ang mas masama pa, may mga taong nasa huli ng listahan ang mga kaibigan.Oo nga at maraming ginagawa, pero hindi ba lahat naman tayo maraming ginagawa? Pero mayroon talagang mga taong ititigil ang anumang ginagawa para lang sa kaibigan. Mapapaisip ka tuloy...ang nauna kaya'y kaibigang talaga?
Sa thesis, siguro ay mas nakilala rin ako ng ibang tao dahil ako mismo ay naliwanagan rin sa aking pagkatao.Alam ko ang mga kasalanan ko. Alam kong malaki rin naman ang kagagawan ko kaya kami nagkaganito.
Nakita ko ang takot ko, ang kahinaan ko, at ang isang napakalaking kasalanan ko.
Totoo nga.
Tama nga ang resulta ng tickle test ko.
Tama rin ang pagkakaranggo ko sa mga hayop.Lahat naman ng maliliit kong kasalanan dahil dito.
Ito nga ang ugat ng puno ng kasalanan na nagpapalago sa maraming pang sangay.
Alam kong dapat ko itong baguhin pero para bang nakaukit na ito sa aking pagkatao.Dadaigin ko pa nga yata ang mga kalalakihan pag dating dito.
Naliwanagan din ako sa tunay na pagkakaibigan.
Nakita ko kung sino yung mga ni walang kamalay-malay dito pero handang dumamay at mag-alay ng kanilang kamay para tumulong ng kung anumang kanilang maitutulong.
Sila na nga ba ang mga tunay na kaibigan?
O talaga lang kayang ipinanganak silang matulungin?
Nakita ko ring napakamakasarili nga naman ng ilang mga kaibigan. Tipong namomroblema ka na nga, iniisip pa rin nila ang sarili nila. Iniisip ko tuloy kung may katotohanan nga ang sinabi ng aking kaibigan na"people are plastics" and "friends are users".
Siguro nga may bahid ng katotohanan pero napatunayan ko naman na sila ay hindi, sila ay talaga namang aking maaasahan....pero yung iba kaya?
Alam ko namang iba-iba ang prioridad ng bawat tao, pero bakit may mga taong maraming ibang inaasikaso at maraming mas mabigat na problema pero handang ihinto ang sarili nilang buhay para lang makaramay mo at matulungan ka?
Natutunan ko ring may mga kaibigang tutulak sa iyo pataas ngunit may iba ring hihila sa iyo pababa...at meron din namang wala lang...(Ang salitang Kaibigan ay ginamit sa pangkalahatang pagkakagamit...hindi nangangahulugang kaibigan ngang talaga)Ako? Kaibigan nga ba ako?
Tulad din naman ako ng ilan dyan...
pero kailangan ko nang magbago
Lalo pa't ngayong alam ko na rin ang akmang pagbabago para sa partikular na mga tao.
Posible ngang natutunan ko rin ang ilang mga konsepto sa pangangasiwa ng isang negosyo. Pero higit kong pahahalagahan ang pagkamulat ko sa kabulukan ng ibang tao, kabulukan ko, kagandahang loob ng ibang tao, mga dapat magbago, at mga leksyong kailangan ko para sa pagharap sa buhay sa hinaharap.
Thesis ang dahilan, thesis ang kinahinatnan.
Yan ang akala ko.
Pero napag-isip-isip ko
May dahilan bago ang thesis at malamang na may kahihinatnan rin matapos ang thesis.
Tama na ang pagiging tanga. Tama na.
NOTE: It is not right to assume anything for no one really knows who and what I'm talking about since no one even knows what I've gone through.