CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Saturday, August 12, 2006

Hanggang Tanaw Mo Lang ang Pananaw Ko

An excerpt from
Ang Trapiko at ang Problema ng Mundo

Maraming simpleng bagay ang lumalaki dahil atin itong iniisip at pinangangahuluganan batay sa sarili nating interpretasyon. At ang mga interpretasyong ito ay hindi naman laging tama. Kadalasan ay binabatay natin sa ating mga karanasan at kaalaman ngunit sinasabi kong hindi sapat ito. Gaano ka man katalino o gaano man karami na ang karanasan mo ay hindi pa rin sapat ito. Para tunay mong maintindihan ang kalagayan ninuman, hindi mo lang dapat ilagay ang sarili sa kanyang mga sapatos, dapat mo ring maranasan ang buo niyang buhay mula nang kanyang pagsilang.
....
....


Maraming hindi pagkakaunawaan sa mundo dahil iba-iba tayo ng mga pananaw. Hirap tayong makita ang sitwasyon sa mata ng iba. Sadyang makitid ang utak ng tao.Kahit ako sa mga sandaling ito na nagsusulat ako, sarili ko lang ang iniisip ko, ang sarling hindi naiintindihan ng karamihan. At ikaw, sa pagbabasa nito, pinipilit mong intindihin ang bawat salitang aking sinasabi ngunit batay pa rin sa karanasan mo.

...
...
Mahirap para sa atin na tanggapin na may pagkakaiba tayo. Oo nga't maari mong sabihin na naiintindihan mo pero nauunawaan mo ba? Tingnan mo ang takbo ng buhay mo. Paano mo ba pinalalakad ang trapiko? Kung siguro'y tunay ngang nauunawaan mo, wala tayong trapiko...at wala ring problema ang mundo.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home