CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Thursday, August 10, 2006

KOLEHIYO at REALIDAD

Ang aking pagtapak sa kolehiyo at aking pagkamulat sa mga pangyayari sa mundo ang nagdala sa akin sa kinaroroonan ko.

Malungkot.
Ngunit ito ang totoo.

Dahil sa mga nakita ko at napag-alaman ko, ako ay nagbago. Binago ng masamang mundong ito ang isang mabuting kaluluwang tulad ko...tulad mo...at tulad ng marami sa atin dito. Dahil sa pinakita nito na walang lugar ang kabutihan at kapayapaan sa mundo, hindi ko na rin hinangad pang makamtan ang mga ito. Maraming bagay ang nakikita ng mga tao bilang mas mahalaga, tunay nga namang kung kapayapaan at kabutihan lang and inaasam mo, wala kang mararating. Pinarating din sa akin na walang mabuting nakatatapak sa tuktok. At bilang isa sa mga nagnanais na mapaginhawa ang buhay ng kanyang pamilya, tinapakan ko na rin ang lahat ng aking sa kabataa'y pinaninindigan.

Ngunit tama ba ang ginawa ko?
Hindi kaya mas marapat lang na baguhin ang katotohonang ito?
Dahil kung ating susuriin, baka may iba pang mas totoo, iyong nagbabadya ng pagbabago.
Masaya.

Ngunit sa ngayon, heto ako, naliligaw sa landas na tinatahak ko.
Dahil dito, nawawala ako.
At patuloy na hinahanap pa rin ang sarili ko.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home