Paano Sayangin ang Iyong Weekend
Mayroon kang mga babasahin. Marami ka rin ibang dapat gawin. Mayroon pa man ding muling-pagsusulit na tanging pag-asa mo na lang para pumasa. Dapat sana ay nag-aral ka na. Pero ano ang iyong ginawa? Sa dalawang araw na pwede mo na sanang tinapos ang mga ito, buong maghapon kang nakahiga o kaya naman ay nanonood ng tv. Imbis na libro ni Hilton o ni Hunton ang iyong binabasa't pinagtutuunan ng pansin, hawak mo ang remote ng dvd player at nanonood ka ng mga walang kakwenta-kwentang pelikula. Siguro nga't may dagdag kaalaman din silang naihahatid, pwede na rin ang ilang pampakilig pero para sunod-sunurin mo ang I will Always Love You, Close to You, at Don't Give up on us...aba sumusobra ka na yata. At heto pa, dahil pirated ang binili mong dvd naiinis ka at hindi kumpleto ang istorya. May mga eksenang nilaktawan pa ika mo at yun pa man din ang puno ng akto ng pagmamahalan. Inis ka nga pero imibis na sana'y nag-aral ka na, nahiga ka na naman at nag-isip ng kung anu-ano. Hoy! Nangangarap ka na naman nang gising! Sabi ko na nga ba at masama ang nadudulot ng ganyang mga pelikula. Kung anu-anong imahe na tuloy ang laman nyang utak mo. O ngayon naghahabol ka na naman sa oras dahil kailngan mong magbasa ng sampung artikulo at kailangan mo pang gumawa ng buod nito! At ano kamo? Wala ka pang nasisimulan?!?!
Kasalanan ko ba eh nakita ko yung pangalan niya...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home