Simpleng Ligaya
Kay sarap tuloy balikan ang nakaraan kung saan...
...ang isang piso ay makapagdudulot na ng saya
...ang isang pirasong kendi ay makapagbibigay na ng ngiti sa ating mga labi
...ang bawat lungkot ay nililipad na ng hangin sa ating pagduyan
...ang simpleng manyika ay magpapatigil na ng luha
...ang puso'y puno ng pagtibok sa tuwa sa pagsakay sa see-saw
...ang bawat away ay kay daling maresolba
...ang mga gulo ay naayos ng simpleng palo
Ito ang mga panahong ang problema'y kay liit at napakadaling gawan ng paraan. Minsan nga lang ay mahirap maintindihan na kung kailan pa tayo tumanda ay tsaka pa natin iniyakan ang mga problemang higit na mas maliit pa sa mga batang awayan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home