CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Friday, March 31, 2006

Sa Isang Pirasong Papel

Sa isang pirasong papel, maaari nating maisulat ang isang paalala. Pwede rin natin itong gamitin upang maihatid ang isang malambing na parirala o pangungusap sa ating minamahal. Sa maliit na pagsusulatan, maaari rin natin maipabatid ang ating nararamdaman sa ating mga kaibigan. Pero nakagamit ka na ba ng papel para sagutin ang iyong mga katanungan? Sinubukan na namin iyon ng aking mga kaibigan nung kami'y sabik na sabik na malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa ilang kalalakihan. May mga sagot na tumpak ngunit mayroon ring ilan na para bang
kaduda-duda. Ngunit kanina lamang, isang paggamit na naman sa papel ang aking natuklasan. Tulad ng dati, may mga sagot na nakasulat sa papel. Ang pinagkaiba nga lang ay noon ay mga pangalan samantalang ngayon naman ay mga oo at hindi na kasagutan. Isang tanong na nasasagot ng oo o hindi ang dapat na buuin sa isipan, pagkatapos ay bubunot ng isang papel na taglay ang isang sagot. Hindi ko talaga ninais subukan ngunit dahil sa kawalang-buhay sa klase ni -ehem-... sinubukan ko na rin. Ako ay nagtanong sa aking isipan tapos bumunot ako ng isa sa mga papel na pagpipilian.
Ako'y natawa kahit ako'y nasaktan. Bakit ko nga naman tatanungin ang ganyang katanungan samantalang alam ko
naman ang kasagutan
...

ika nga ng kaklase kong nagsulat sa isang pirasong papel na iyon...
"NO WAY! Mangarap ka!"

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home