CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Friday, March 17, 2006

Simpleng Ligaya

Kanina may dalwang batang nanghingi ng piso sa drayber ng dyip na aking sinakyan. Mabait naman si Manong at binagyan sila ng dalawang piso para kako tig-isa sila. Naalala ko tuloy ang nakalipas na mga araw kung saan ang aking(ating) mundo ay napupuno ng mga simpleng ligaya

Kay sarap tuloy balikan ang nakaraan kung saan...
...ang isang piso ay makapagdudulot na ng saya
...ang isang pirasong kendi ay makapagbibigay na ng ngiti sa ating mga labi
...ang bawat lungkot ay nililipad na ng hangin sa ating pagduyan
...ang simpleng manyika ay magpapatigil na ng luha
...ang puso'y puno ng pagtibok sa tuwa sa pagsakay sa see-saw
...ang bawat away ay kay daling maresolba
...ang mga gulo ay naayos ng simpleng palo

Ito ang mga panahong ang problema'y kay liit at napakadaling gawan ng paraan. Minsan nga lang ay mahirap maintindihan na kung kailan pa tayo tumanda ay tsaka pa natin iniyakan ang mga problemang higit na mas maliit pa sa mga batang awayan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home