CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Saturday, February 25, 2006

Bagay, Tao at Diyos

Kung ating iisipin..
Mas masarap magmahal ng isang bagay
Gaano pa man ito kamahal
Konting tiyaga, konting sikap at siguradong makakamtan mo na
Kapag nasa kamay mo na, ito ay talagang iyo na
Maliban na lamang kung ikaw mismo ang nagbigay sa iba
Kung naman may nangyari at ito'y nawala sa iyong pagmamay-ari nang hindi mo kagustuhan
Malamang ay dahil din naman sa iyong kagagawan, sa iyong kasalanan
Ngunit kapag nawala, madali itong palitan
Konting sipag at may bago na itong kapalit

Eh ang tao..
Kahit sumuot ka pa sa butas ng karayom
Kung ayaw sa 'yo, ayaw sa 'yo
Kahit lahat pa gawin mo, kahit lahat na ay ibigay mo
Kung hindi talaga kayo para sa isa't isa, hindi kayo
Minsan naman nasasakamay mo na at akala mo'y talagang iyo na
Pagkaraan ng sandaling panahon, wala ka man gawing mali
Pilitin mo man alagaan ang inyong relasyon
Pwede ka pa ring iwanan, pwede pa rin itong mawala sa iyong mga kamay
At maraming pagluha at mahabang panahon ang papalipasin
Bago ito mapalitan
Minsan pa nga'y tila wala nang makapapalit pa

Pero ang Diyos,
Ni hindi natin kailangang pagdaanan ang anumang hirap
Para makamit ang pagmamahal niya
At Siya, kahit pa hayaan natin ang ating relasyon
Nariyan at hindi aalis
Lagi lang naghihintay sa ating pagbalik, sa ating muling pagtawag sa Kanya
Hindi rin nawawala, hindi umaalis, hindi nang-iiwan

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home