Sometimes I'd wish I'd meet the one meant for me
For then I won't have to fall for the wrong persons
BALIKONG PANA
Heto na naman siya't lumilibot sa paligid
Nagmamatyag, nag-aabang, naghahanap
Dalawang pusong nais niyang pagtagpuin
Dalawang taong para bang manyikang mamanipulahin
Ilang beses na rin niya akoing tinamaan
Hindi ko lang alam kung ito ba'y kanyang kasadyaan
Minsan kasi'y parang hindi tama
Kaya't ako'y duda na sa kanyang pag-asinta
Ngunit sa aking palibot
Karamiha'y mukha namang masaya
Mga mukha'y mga nangakangiti
Brasong magka-akbay at mga kamay na magkatagpi
Bakit ba kaya?
Dulot ba ng isang balikong pana?
Panang sa aki'y madalas gamitin
O panang ako'y kadalasang nadadaplisan
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home