PAANYAYA
Munting serye hango sa tala-arawan ni Ian Gabriel
Ang Tala-arawan
Ang isang tala-arawan ay nagtataglay ng isang bahagi ng ating buhay. Nilalarawan nito ang ating pakikisalamuha sa iba't-ibang taong nakikilala natin, ang ating pananaw sa ilang mga isyu, at ang ating pag-uugali sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay. Maaaring ang isang tala-arawan ay nagsasaad lamang ng simlpeng mga pangyayari sa buhay ng isang tao ngunit subukang basahin at basahing muli at siguradong may ibang bagay ka pang mapupulot dito.
Ang tala-arawan ni Ian Gabriel
Isinasalarawan nito ang mga pagsubok na hinaharap ng mga kabataan at ng bawat isa sa atin. Sinasalamin din nito ang pagkakaiba-iba ng bawat isa. Napapaloob rin rito ang ilan sa hindi maipaliwanag na bagay sa mundo tulad ng tinatawag nating the irony of life. Minsa'y puno ng damdamin, minsa'y puno ng leksyon. Ngunit maituturing na bukod tangi ang tala-arawan ni Ian Gabriel dahil sa pagpapakita nito ng isang damdaming iba sa lahat, iyong tipong kay lakas at kay tibay ngunit kinakaya pa ring maging malumanay, isang damdaming mahirap dalhin kaya't minsa'y hinahayaan na lamang sa ibang kamay...ang pag-ibig para sa isang kaibigang iniisip pa rin hanggang ngayon kung hanggang kaibigan na nga lang ba.
Simula na sa ika-17 ng Hunyo 2006 @
http://loscuentosdemivida.blogspot.com/
Kung ito man ay may bahid ng katotohanan o purong kathang-isip lamang, kayo na ang humusga!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home