my eX- (wala lang...)
Pinangarap mo lang naman
na makasama siya
Pero sa paglipas ng panahon
na akala mo'y pati iyong paghanga ay nawala na
Bigla na lang lahat ay magbabalik?
Walang sabi-sabi
Walang patnubay man lang
Bigla mo na lang makikita
At maaalala ang nakaraan
Nakaraang sa isip ko lang naman
naging katotohanan
Kailan lang ay nabanggit ko ang pangalan niya sa aking ina
Himalang sa pagiging makalilimutin niya ay naalala pa siya
Iniisip ko tuloy na para bang nakaukit na talaga siya sa aking buhay
Para bang naging parte talaga siya ng aking nakalipas
Pero posible ba iyon...gayung wala naman siyang ka-alam-alam?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home