Mama, bayad ho...
Wag kang magtulug-tulugan
Papa-pareho tayo
Biktima ng Kahirapan"
Nakita ko lang ito sa isang karatula na nakasabit sa aking sinakyang dyip pauwi kaninang hapon. Oo nga naman, lahat naman tayo ay nagdaraan sa panahon ng kahirapan. Pero tingnan naman natin ang mundo sa kanilang paningin...
PISO
Ano nga ba naman ang isang piso?
Sa totoo lang ay mahalaga ito. Kahit ako, hirap mag-abot ng isang piso nang walang halagang patutunguhan. Importante ito. Panlaban sa pagka-umay, pagpapadali nang pagkakaroon ng kopya ng mga dokumento, pantawid uhaw matapos ang isang oras na paglalaro.
PISO.
Iyan ang piso sa paningin ko. Eh sa isang tsuper, manlilimos, o takatak boys kaya?
Maaari mong sabihin na wala pa ring halaga ang piso pero kung hindi magsisimula sa isang piraso ng metal na barya, paano ba niya maaabot ang isang papel na pera?
Pambuhay ng pamilya, pagpapa-aral sa mga anak, pampagamot sa nagdidiliryong kapamilya.
Piso.
Paningin niya at paningin mo.
Paningin mo at paningin ko.
Magkasinghalaga ba?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home