Mula kahapon hanggang ngayon, ilang kaway na kaya ang aking nakuha mula sa mga kalalakihang hindi ko naman kilala. Ilang mga ngiti na kaya ang nakita sa kanilang mga labi? Tsuper, gasoline boy at tambay sa kalye. Kapwa mamimili at kapwa pasahero. Pero bakit nga ba ni isa sa kanila ay hindi man lang kinawayan.
Sa pag uwi ko at pakikipagkwentuhan, nahanap ko ang sagot.Ika nga ng aking mabuting kaibigan
"Yun naman kasing mga nabubulag sa akin mga ayun tambay...Gusto ko naman yung ganyan...basketbolista, nag-aaral. Yung may pangarap sa buhay."
Tama nga. Lahat naman tayo iyon ang hanap, di ba?
Pero hindi ko pa rin talaga itinatanggi ang posibilidad na balang araw ay sa isa sa kanila ako mapunta.
Tambay, walang ginagawa sa buhay. Pero hindi ba't tao lang rin siya.
Humahanga, nasasaktan, umiibig at nagmamahal.
No comments:
Post a Comment