Friday, October 27, 2006

Nagngangalit

Patuloy pa rin ang nasindihan...

Pagkiskisin mo ang dalwang bato at unti-unti kang makagagawa ng apoy
Apoy na may dalang init na nagpapagaan ng pakiramdam
Ngunit kailangang mag-ingat sa mga elementong makakahalo nito
Dahil ang isang elementong hindi nababagay sa apoy
Ay maaaring maging dahilan ng isang pagsiklab
Kailangan ring bantayan
Dahil ang apoy na ito ay maaaring lumaki
Ito ang apoy na makamandag, may kakayanang matupok ang lahat lahat
Hanggang sa abo na lang ang matitira
Ngunit maghanda at maging listo
Sapagkat hanggang hindi pa tuluyang napatay
At may ningas pa ring natitira
Maaari pa rin itong magliyab

No comments:

Post a Comment