Friday, October 20, 2006

Ikaw Pa Rin

(first finished composition)

Dala ko pa rin ang picture mo sa wallet ko
Suot ko pa rin ang singsing ng sumpaan natin
Tinatago pa rin ang mga text mo
Hinhintay pa rin bawat reply mo
Inaabangan ang pagtunog ng cellphone ko

Please lang, please naman
Tanong ko'y pakisagot lang
Ako'y nalilito't naguguluhan
Bakit ba naman
Hanggang ngayon ay ikaw pa rin
Ang laman ng isip at damdamin

Ang tatoo pa rin sa braso ko'y pangalan mo
Binabasa nang paulit-ulit mga sulat natin
Laman ka pa rin ng panaginip ko
Tanging sagot sa mga pangarap ko
Mukha mo pa rin ang naiisip-isip ko

Please lang, please naman
Tanong ko'y pakisagot lang
Ako'y nalilito't naguguluhan
Bakit ba naman
Hanggang ngayon ay ikaw pa rin
Ang laman ng isip at damdamin


Repeat (higher note)

Puso ko'y luluha at iibig ring muli
Ngunit mayroong isang bagay na hindi magbabago

CODA:
Dahil Ikaw pa rin, ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang iibigin
Dahil ikaw pa rin, ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang iibigin ko (2x)

4 comments:

  1. Anonymous5:31 PM

    aba... kelan k p na22tong maging composer!!!!! cnu kya un mystery "guy"???? kwen2 nman hahahahaha....

    ReplyDelete
  2. Anonymous5:37 PM

    aba aba... nkakacompose pla c tina... i agree with gogo, cnu ung GUY??? d k ngkukuwento ah buti nlng naicpan nmin tingnan blog mo!!! YOU OWE US!!!! at 1 of these days mgbabayad k nah!!! lolz Ü

    ReplyDelete
  3. Anonymous5:39 PM

    post ka sa yahoogroups kung nkuha m n i2!!!!!

    ReplyDelete
  4. shuckers!!!!!!!!! naku wala yan hehehe...wla lng yan tlga...

    ReplyDelete