CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Saturday, August 26, 2006

Patawad...

Kung pwede ko lang talagang pira-pirasuhin ang sarili ko, gagawin ko para sa inyo.

Pero tao lang ako. Hindi naman ako Diyos na may kakayanang manatili sa dalawa at mahigit pang lugar sa iisang panahon. Nawa'y maintindihan ninyo. Hindi ko naman hawak ang lahat ng bagay. Kung ako ang masusunod, hinding hindi ko tatalikuran ang sinuman...o anuman. Sadya lang talagang may mga pangyayari kung saan kailangan kong mamili ng aking kalalagyan. Lahat naman tayo may obligasyon sa pag-aaral, pagtatrabaho, pamilya, kaibigan, minamahal at marami pang iba. Pasensya na lang kung may mga pagkakataong inuna ko ang isa rito laban sa iyo. Patawad na. Kasalanan ko. Gusto kong makasama kayo ngunit kailangan ko ring gampanan ang kung anumang responsibilidad ang meron ako sa ibang bagay. Hindi naman kasi pwedeng sa isang bagay lang iikot ang mundo natin, hindi ba? Gayunpaman, alam ko ang pagkukulang ko. At anumang paliwanag ang aking ipahayag ay hindi magiging sapat sa sakit na naidulot ko sa iyo. Patawad na.
Patawad na.
Pasensya...tao lang.

5 Comments:

  • At 12:14 AM , Anonymous Anonymous said...

    hmmm... for whom kaya to...

     
  • At 10:05 PM , Blogger cRazY_kRis said...

    haaaay...maloloka na 'ko!!!!

    anyway, para sa inyo rin...actually sa lhat, s lhat ng taong naisantabi ko para sa ibang tao or other things...

     
  • At 1:52 AM , Anonymous Anonymous said...

    d mo naman kmi naisantabi ah.. at naiintindiahn naman namin kung isasantabi mo kami

     
  • At 6:37 AM , Blogger -d0mini- said...

    honestly akala ko para kina thesis mates mo. see you tomorrow,,, punta ka sa lit ha! =)

     
  • At 7:38 PM , Blogger cRazY_kRis said...

    thesismates are just one part of it...

    like i said maraming inaasikasong bagay ang isang tao

    pero alm nyo kyang dahil sa thesis...im actually directing this for someone so special to me?

    o kng anu-ano n nmn iisipin ng mga tao...

    watever

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home