Friday, July 07, 2006

M.U.

Napakarami nang lumuha
Napakarami na ang naging sawi
Akala mo kasi kayo na
Iyon pala wala lang sa kanya

Maling Akala?

Naniniwala naman ako sa tinatawag nating mutual understanding pero harapin na natin ang katotohanan. Kailangan pa rin natin itong pag-usapan. Hindi naman pwedeng umasa na lang kayo na may nararamdaman nga kayo para sa isa't-isa. Hindi mo naman siguro gugustuhing gumising isang araw na may iba na siyang kasama.

Dahil kaya napagod sa paghihintay?
Dahil kaya ang bagong pag-ibig ay mas matibay?
O baka naman dahil hindi talaga mutual ang akala mong mutual nga.

Tama na ang patorpe-torpe...
Lapitan mo na!!!
Tama na ang pakiramdaman...
Kausapin mo na!!

(di related sa M.U. pero baka inspirational sa mga torpe)
Mahal kita pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa'yo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot dyan,
oo o hinde
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

No comments:

Post a Comment