Friday, April 07, 2006

H!gH

(written by an addict on April 6, 2006...obvious ba lulong na naman ako sa kanya...how organized the thoughts!!!)
"Masdan mo ang aking mata'
Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama ?"

-alapaap

Para talaga siyang bawal na gamot
Lahat ng problema'y napupunta sa limot
Isang munting ligaya
Na patago kong tinatamasa
Sa isang hithit, hiling ay isang gramo
Sa isang gramo, gusto pa ng isang kilo

Para na naman akong nakalutang sa ere
Lumilipad, lumilipad; pataas nang pataas
At kanina lang sa aking paglalakad
Nasalubong ko ang isang anghel
Nasa langit na nga ako!

MGA GUMUGULO SA AKING ISIPAN
Bakit kaya nangyayari ang lahat ng ito? Para bang tunay kaming pinagtatagpo. Matapos makita ang pangalan niya doon sa listahan, akin ring napag-alaman na siya ay kanila nang iiwanan. Bakit? At kanina, nang akin muling tingnan ang isang pahina, napag-alaman kong pinalitan niya rin ang kanyang panglan. Iyon pa man din ang pangalang ginagamit ko sa pagtawag sa kanya sa aking mga pangarap. Pati na rin yata pag-iisip ay natulad sa akin. Sapat nga kayang pruweba ang larawang tumambad sa aking harapan. At bakit ganun....isa itong bagay na hindi tintanggi ngunit pag tingin sa pahina ay nawawala...system failure na naman ba?....tsktsktsk...ang pagkakataon talaga oh...

Baka bukas makalawa sa REHAB nyo na ako makita.

No comments:

Post a Comment