CrAzY n0thiNgZ


Complicatedly Simple


as taken from a certain chapter in our lives

itz about me, itz about you
itz about the world around us

itz about the crazy side of luvly_kris ΓΌ

Saturday, February 04, 2006

Naisip ko lang...
Alin ang mas masakit:
Ang sabihin niyang hindi ka niya mahal dahil hindi naman talaga
Ang sabihin niyang di ka niya gusto gayung mahal na mahal ka niya ngunit sadyang maraming hadlang sa inyong pag-iibigan
O ang sabihin niyang mahal na mahal ka niya gayung hindi naman talaga

Marami sa atin ang nakakaranas ng unang sitwasyon. At sa pangyayaring iyon, iniisip nating katapusan na ng mundo. Para sa atin, wala nang halaga ang mabuhay pa. Totoo nga namang napakasakit.

Ngunit para sa akin, ang ikalawa ay higit na masakit. Mahal niyo naman ang isa't isa ngunit hindi pa rin pwedeng maging kayo dahil bawal, dahil hindi tama, at dahil maaaring may ibang taong masasagasaan at may ibang pusong masasaktan.

Subalit ang huling sitwasyon ang pinakamasakit.
Pinaasa ka.

Binuo sa iyo ang akalang mahal ka niyang talaga.
Pina-ikot niya ang mundo mo sa kanya.

Ngunit matapos ang lahat nang iyon, malalaman mo na lamang na lahat pala ng iyon ay pawang kalokohan...isang malaking kasinungalingan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home